Nagmamantikang Adobo ng Baboy!
Ingredients:
1 kilo pork belly (Adobo cut) (clean)
3/4 cup pineapple juice
6 cloves garlic (crushed)
4 tablespoons soy sauce
4 tablespoons white vinegar
4 pieces dried bay leaves (laurel)
10 pcs pamintang buo
2 tablespoons cooking oil
(PROCEDURE)
1) Pagsamahin ang Pork at pineapple juice Combine pork and pineapple juice. Marinade muna ng 3-4 hours para magcombine ang lasa ng pineapple sa pork.
2) Pagkatapos imarinade ihiwalay muna ang pork sa pinagbabaran nito na pineapple juice.
3) Magpainit ng mantika sa kawali maggisa ng bawang at maging light brown lang pwede na.
Saka ilagay ang pork at haluin at igisa lang hanggang maging light brown narin ang kulay nito.
4) Saka ibuhos na ang soy sauce at dahon ng laurel ganundin ang pamintang buo. Saka lutuin lang sa medium fire sa loob ng 5 minuto.
5) Saka ibuhos ang pinagbabaran na pineapple juice at vinegar. Haluin saka takpan at hayaan lang kumulo hanggang lumambot na ang pork
6) Buksan saka haluin din kapag malapit ng matuyo ang sauce o sabaw ng adobo. Makikitang nagmamantika na ang kawali at ang adobong pork kapag naubos na halos ang sabaw nito. Pwede na.
ctto